AJEX-DAGITPA, matagumpay na magtatapos ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isasagawa ngayong umaga ang closing ceremonies ng Armed Forces of the Philippines Joint Exercise Dagat Langit at Lupa (AJEX-DAGITPA) sa Camp Aguinaldo.

Panauhing pandangal sa seremonya si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na kakatawanin ni DND Sr. Undersecretary Irineo Espino.

Dadalo rin sa aktibidad si Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lieutenant General Arthur Cordura.

Sa bisperas ng pagtatapos ng pagsasanay kahapon, nagsagawa ng komprehensibong field training exercise sa Burgos, Ilocos Norte ang mga pinagsanib na pwersa ng Philippine Army, Philippine Airforce, Philippine Navy, at Philippine Marines.

Tampok sa ehersisyo ang Airfield Seizure, Air Assault, Close Quarters Combat, Breaching Operations, Aeromedical Evacuation, at Sustainment Operations sa pamamagitan ng bundle drop.

Ang AJEX-DAGITPA ay taunang pagsasanay para mapahusay ang interoperability ng iba’t ibang sangay ng AFP sa pagsasagawa ng mga joint operation.  | ulat ni Leo Sarne

📸: Cpl. Christ Darrel Pagilinan PA, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us