Albay, nakiisa sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan; “The Orange Exhibit,”  inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pangunguna ng Provincial Welfare and Development Office ang “The Orange Exhibit” bilang suporta sa 18 araw na kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan sa lalawigan.

Nagliwanag ang buong kapitolyo dahil sa orange exhibit kung saan ipinapakita ang mga proteksyon at karapatan ng mga Albayanong kababaihan. Gayundin, ang mga naisagawang programa ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa karapatang pangkababaihan.

Sa mensahe ni  Albay 3rd District Board Member Eva Josephine Ribaya, muling pinaalalahanan niya ang publiko sa mga karapatan at pribilehiyo ng bawat kababaihan sa mamamayan.

Ikinabahala naman ni Albay Governor Edcel Grex Lagman ang pagtaas ng kaso sa pang-aabuso sa mga kababaihan sa lalawigan. Gayunpaman, hinihikayat niya ang mga nakakaranas ng pang-aabuso na ipagbigay alam agad sa awtoridad upang managot sa batas.

Sa datos ng Albay Provincial Police Office, pumalo sa 252 kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa lalawigan ng Albay ang naitala simula Enero hanggang Oktubre ngayong taon. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Photos: Glenda Ong Bongao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us