Albay solon, pinuri ang pagkaka-aresto sa mga miyembro ng SBSI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Albay Representative Edcel Lagman ang pagkaka-aresto ni Jay Rence Quilario o mas kilala bilang si Senior Agila at 12 iba pang opisyal at miyembro ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).

Kasunod na rin ito ng pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation and Solemnization of Child Marriages, at Child Abuse.

Bilang pangunahing may akda ng RA 11596 o Prohibition of Child Marriage Law, ikinatuwa ni Lagman ang pagkilos ng mga awtoridad.

Hangad naman ng mambabatas na agad i-prosecute ang mga lider ng SBSI salig sa Section 4 ng batas dahil sa Unlawful Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage, at Cohabitation of an Adult with a Child Outside Wedlock.

Aniya maaaring maharap sa anim hanggang 12 taong pagkakakulong at multa na ₱40,000 ang mga nagsagawa ng child marriage maliban dito ay maaari ring alisan ng parental authority ang magulang o guardian na nagtulak sa child marriage.

Ang mga nag-officiate naman ng naturang kasal ay makukulong ng 10 hanggang 12 taon at multa na hindi bababa sa ₱50,000.

Ganito rin ang parusa sa mga adult na ibabahay ang isang menor de edad.

Bunsod naman ng mga pangyayaring ito ay pinatitiyak ni Lagman na tamang naipatutupad ang RA 11596 para sa proteksyon ng mga kabataan, lalo na ng mga batang babae.

“Child marriage is a patent violation of girls and an affront to their basic human rights. It is a practice that not only infringes on children’s fundamental rights but also poses significant perils to their overall well-being and development. It cheats them of their childhood; robs them of their entitlement to education; and deprives them of their right to choose their own future. It denies them the opportunity to grow, explore, and fulfill their potential,” ani Lagman. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us