Target tapusin ng House Ways and Means Committee ang amyenda sa CREATE Law ngayong Nobyembre at diretsong isumite sa Senado.
Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, chair ng Komite kasunod ng pagtalakay sa ‘CREATE MORE’ na layong ayusin ang tax incentives system para makasabay sa estado ng global market at mas maging competitive.
Tugon aniya ito sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin ang batas para ayusin ang ilang isyu ng mga investor gaya ng VAT rate at refund issue lalo na sa mga exporter.
“We will send the Senate our version by the end of November. We will also approve this in the Committee next week. We were prepared to do it today, but the Office of the President requested for a bit more time to finalize its comments,” sabi ng House Tax Chief.
Kabilang sa ‘enhancement’ ang pinababang Corporate Income Tax na 20%, 200% deduction para sa power cost, trade fair at trade mission expenses, at ang pagkakaroon ng Net Operating Loss Carryover sa loob ng limang taon sa pagtatapos ng ITH period.
Magkakaroon din ng uniform na 1.5% registered business enterprise local tax (RBELT) na kokolektahin ng investment promotion agencies imbes na sa mga local government units.
Magbibigay din ng special skills visa sa mga highly technical personnel ay pahihintulutan din ang IT-BPO sector na magpatupad ng work-from-home schemes.
“This will allow one of the country’s most durable sectors to remain globally competitive. The world has moved towards hybrid, and it does not make sense to limit ourselves in this area.” ani Salceda.
Bilang pagtalima sa nais ng Pangulo ay ibinalik na rin sa mga investment promotion agencies ang pagbibigay ng fiscal incentives.
“The Committee wholeheartedly supports the President’s direction to ‘wind down’ the power of the Fiscal Incentives Review Board to grant and approve fiscal incentives. The President wants to make the approval process more responsive. And we agree fully. So, the Committee has reverted the power to grant and approve incentives to the Investment Promotion Agencies. There is, however, a role for the FIRB in policy formulation, standard-setting, and oversight. The FIRB should also be able to grant off-menu incentives.” Dagdag nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes