Amyenda sa National Commission on Senior Citizens Act, itinutulak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni United Senior Citizens Partylist Representative Milagros Aquino-Magsaysay na amyendahan ang National Commission on Senior Citizens (NCSC) Act.

Punto ng mambabatas sa kabila kasi ng batas ay hindi pa rin kasi tunay na nararamdaman ng mga senior citizen ang epekto ng NCSC.

Sa kaniyang House Bill 9454, magtatakda ng istraktura ng organisasyon, para mapalawak ang mandato nito para sa benepisyo ng mga senior citizen at magkaroon ng mahusay na transition at operasyon para sa mas malinaw na gabay sa orihinal na batas.

Naniniwala si Aquino-Magsaysay na ang pag-amyenda ay susuporta sa mekanismo sa pagpapatakbo ng mga programa at benepisyo para sa mga nakatatanda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us