Nakarekober ng 6 na sako ng oil-contaminated debris ang marine response team sa isinagawang pagresponde sa oil spill incident sa Lumang Pantalan ng San Jose, Occidental Mindoro kahapon.
Sa pabatid ng Coast Guard Station-Occidental Mindoro, sinabing namataan ang tinatayang 30-liter bunker oil spill ng Marine Environment Group (MEP-GRP) Occidental Mindoro (Occmin) habang nagsasagawa ng patrolya sa nasabing lugar.
Kaagad na naglatag ng oil absorbent pads bilang marine pollution response and recovery operation ang grupo na kinabibilangan ng CGSS San Jose Special Operations Unit-Occidental Mindoro at MEP-GRP Occmin.
Inatasan ni CG Captain Eddyson P Abanilla ang CGSS San Jose na magsagawa ng patrol monitoring sa shorelines ng San Jose upang matiyak na walang kumalat na langis sa lugar.| ulat ni Leonie Algire| RP1 Lucena