Apat na Pinoy na biktima ng human trafficking, dumating na sa Pilipinas mula Myanmar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabalik na sa Pilipinas ang apat na Pilipinong biktima ng illegal recruitment at human trafficking mula sa bansang Myanmar.

Ang mga Pilipinong hindi na pinangalanan para sa kanilang proteksyon ay humingi ng tulong sa pamahalaan para mailikas.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang mga biktima ay sumakay sa Thai Airways flight at mula sa Yangon, Myanmar ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Base sa salaysay ng apat na biktima, hindi raw sila nakakuha ng maayos na working visa sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) registration noong sila ay nasa Laukkai, Myanmar.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang apat ay nakaalis sa bansa matapos magpanggap na mga turista pero kalaunan ay ni-recruit sila ng foreigner acquaintances para magtrabaho sa Myanmar pero iba nga lang ang job positions.

Ang dalawa sa mga biktima ay nag-apply sa pamamagitan ng job posting sa Facebook bilang Customer Service Representatives sa Myanmar.

Agad namang ipinasakamay ang apat sa Inter-Agency Council Against Trafficking, Department of Foreign Affairs (DFA) at OWWA. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us