ARTA, nagsagawa ng Ease of Doing Business Convention ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Anti-Red Tape Authority o ARTA Director General Sec. Ernesto Perez ang unang araw ng Ease of Doing Business Convention sa Pasay City ngayong araw.

Dito, ini-ulat ni Sec. Perez ang mga pinakahuling development hinggil sa ginagawang streamlining at digital solutions na ini-aalok ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan upang mapaganda pa ang paghahatid serbisyo sa publiko.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang convention ang iba’t ibang dignitaries tulad nila US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson, Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa at mga kinatawan ng business sector.

Isinagawa rin dito ang paglagda ng Memorandum of Understanding ng ARTA sa iba’t ibang business community gaya ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Management Association of the Philippines at Nordic Chamber of Commerce of the Philippines.

May exhibit booths din ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan upang magbigay serbisyo sa mga dumalo.

Ayon kay Perez, malaking bagay na mapabilis ang mga transaksyon sa Pilipinas dahil makatutulong ito upang makahikayat pa ng mas maraming mamumuhunan na siyang makapagpapaangat sa ekonomiya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us