Dahil sa intensity VIII na lindol na naranasan kaninang alas-4:14 ng hapon sa General Santos City, ang lahat doon ay inabisuhang usisain ang palibot para sa kanilang kaligtasan at maging alerto sa posibleng aftershocks.
Inabisuhan din ang lahat sa GenSan na sinuspinde ang mga trabaho sa city government habang isinasagawa ang assessments sa iba’t ibang istruktura sa lungsod.
Nananatili naman ang trabaho ng mga opisina ng city government na ang tungkulin ay may kaugnayan sa pagbibigay ng basic at health services, preparedness / response to disasters and calamities, at iba pang itinuturing na vital services.
Ang Public Safety Office, Office of the Building Official, at City Engineering Office ay inutusan ng LGU ng GenSan na magsagawa ng assessment sa lindol at mga necessary measures para sa kaligtasan ng publiko.
Hinimok ng City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang publiko na i-report ng mga damages at injuries na may kaugnayan aa lindol.
Mino-monitor ng city government ang kasalukuyang sitwasyon. Hiniling nito sa publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng disinformation sa social media na posibleng maglikha ng pagkaalarma, panic, at stress sa maraming tao. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao