Australian Ambassador to the Philippines, nais bigyang prayoridad ang Pilipinas para lagakan ng investment pledges

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais bigyang prayoridad ng bansang Australia ang Pilipinas na lagakan ng investment pledges mula sa kanilang bansa dahil sa magandang ipinamamalas ng bansa pagdating sa ekonomiya.

Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu dahil ito sa magandang performance ng bansa sa pagkuha ng investment pledges mula sa ibang bansa at hanggang sa pagsasaayos ng mga nakuhang mga pamumuhunan at pagiging hands-on ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Yu, nakatakdang maglaan ng $19.2 million na halaga ng investment ang Australia sa South East Asia upang makatulong sa pagpapalago at ekonomiya sa naturang rehiyon, bagay na malaking parte ay nakuha na ng Pilipinas.

Postibo naman si Ambassador Yu na malaki ang potensyal ng Pilipinas na maging isa sa may pinakamatatag na ekonomiya sa South East Asia. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us