Bagong talagang Deputy Speaker Yasser Balindong, nangakong dedepensahan ang dangal at integridad ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Lanao del Sur 2nd District Representative Yasser Alonto Balindong na titindig para ipaglaban ang dangal at integridad ng Kamara.

Kasabay ito ng pagpapasalamat kay Speaker Romualdez at sa House leadership matapos siyang maitalaga bilang Deputy Speaker Martes ng gabi.

“As representative of the 2nd district of Lanao del Sur and as a Deputy Speaker, and in compliance with the resolution that we overwhelmingly adopted on Monday, I am committed to defend the honor and integrity of the House of Representatives,” sabi ni Balindong.

Binigyang-diin ni Balindong na bilang mga mambabatas ay mandato nilang pangalagaan ang pagkakaisa ng institusyon na kanilang kinabibilangan.

Pinalitan ni Balindong si Davao City Representative Isidro Ungab, habang si Isabela Representative Antonio Albano naman ang pumalit kay kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo bilang deputy speaker.

Nanawagan din ang mambabatas mula Lanao del Sur sa kaniyang mga kapwa kongresista na patuloy na pagtulungan ang pagpapasa ng mga panukala para labanan ang food inflation, suportahan ang sektor ng agrikultura, makalikha ng dagdag na trabaho at mapalago pa ang ekonomiya.

“At the end of the day, our accomplishment will be measured by how we collectively work to make life better for our people. Let us also continue supporting President Marcos and the leadership of Speaker Romualdez,” dagdag nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us