Bagong upong Barangay Chairperson sa Pasig City, kinastigo ni Mayor Vico Sotto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinastigo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang bagong halal na Chairperson ng Barangay Dela Paz na si Dietmar “Akaw” Romualdez.

Ito’y makaraang pagsabihan ng Kapitan ang mga tauhan ng Pasig City Traffic and Parking Management Office na itimbre muna sa aniya kung may gagawing operasyon sa kanilang Barangay.

Nag-ugat ito nang mahuli ng mga taga-TPMO ang isang residente ng Barangay na nagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet at student license lamang ang dala.

Ayon kay Mayor Sotto, hindi niya palalampasin ang insidente lalo’t mahigpit ang kaniyang kautusan na ipatupad ang batas trapiko na walang kinikilingan sa kanilang lungsod.

Ngayong araw, pinangunahan ni Mayor Sotto ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK kung saan, pinagsabihan ng Alkalde ang mga opisyal ng kanilang Barangay na sundin ang batas, igalang ang mga awtoridad at magsilbing huwaran sa kanila namang nasasakupan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us