Bahagi ng Zabarte Road Extension sa Caloocan, pansamantalang isinara sa trapiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso sa mga motorista ang Caloocan City government na pansamantalang magpapatupad ng total road closure sa kahabaan ng Zabarte Road Extension, Bagong Silang, Phase 1 ngayong araw, November 13.

Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang proyektong pagsasaayos ng Matarik Bridge na pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kaugnay nito, naglatag ng ilang alternatibong ruta ang LGU para sa mga maaapektuhang motorista:

Kung magmumula sa Bagong Silang Kanan Phase 5 patungong Camarin, Kiko, SM Fairview, Novaliches o vice versa, maaaring dumaan sa King Solomon, Magiting Bridge, Paulino CMPD o maaari din tahakin ang Langit Road patungong Tala, Phase 6 Kiko Camarin Road.

Kung magmumula naman sa Bagong Silang Kaliwa Phase 10 patungong Camarin, Kiko, SM Fairview, Novaliches o vice versa, maaaring dumaan sa Congressional Road Bankers Village I, Sampaguita, Shelterville o maaari din tahakin ang Brixtonville, Sampaguita, Shelterville.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na makakatuwang ng DPWH ang mga kawani mula sa Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) upang tumulong sa paggabay sa mga motorista. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us