Balik-eskwelahan na ang mga estudyante sa karamihan ng mga paaralan sa Eastern Samar na nagsuspinde ng klase dahil sa shear line

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik-eskwelahan na ang mga estudyante sa karamihan ng mga paaralan sa DepEd Eastern Samar Division, na nagsuspinde ng klase mula noong Lunes dahil sa malakas na mga pag-ulan dulot ng shear line.

Ayon kay Mr. Abner Aclao, information officer, 429 na paaralan ang regular ang klase ngayong araw; samantalang 37 na lang sa limang school districts ang nananatiling suspendido ang klase, dahil lubog pa rin sa tubig baha; 9 na paaralan sa bayan ng Arteche, 11 sa Dolores, 3 sa Jipapad, 5 sa Maslog, at 7 sa Orás West District.

Ayon pa kay Aclao, ang Schools Division Office – Disaster Risk Reduction and Management (SDO-DRRM) personnel ay patuloy na naka-monitor sa sitwasyon ng panahon. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na pamahalaan para sa posibleng paghahatid ng ayuda at suporta.

Ang SDO ay magde-deploy din ng personnel na magsasagawa ng Rapid Assessment of Damages Report (RADaR) at needs analysis para matugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhang paaralan, estudyante, at guro ng Eastern Samar Division. | ulat ni Daisy Belizar | RP1 Borongan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us