Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day, isinagawa sa Laguna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ang Balik Sigla, Bigay Saya Nationwide Gift Giving Day project ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Barangay Bigaa, lungsod ng Cabuyao sa lalawigan ng Laguna kanina.

Nabatid sa post na inilathala sa Balik Sigla, Bigay Saya FB Page, ang pamimigay ng maagang aguinaldo sa mga bata sa nasabing lugar ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Isang Bansa Pilipino (IBP) Bigaa Chapter.

Mahigit 17,000 kabataan mula sa piling shelter at orphan care centers sa buong bansa ang benepisyaryo ng maagang aguinaldo sa isinasagawang Nationwide Gift Giving Day Balik Sigla, Bigay Saya na inisyatibo ng Office of the President at sa pakikipagtulungan sa Social Secretary’s Office at iba pang ahensya ng pamahalaan.| ulat ni Tom Alvarez| RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us