Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, pinaghahandan ng DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kinakailangan para sa gagawing Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Project.

Isa ang BCIB Project sa mga infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng programang “Build Better More.”

Alinsunod sa tagubilin ng Pangulo sa BCIB Milestones Ceremony sa Mariveles, Bataan, ang DPWH UPMO ay nangangako na agad na masimulan ang proyekto at tapusin na naaayon sa itinakdang schedule.

Ang 32.15-kilometer four (4)-lane na BCIB Project ay ang pinakamalaking flagship project sa ngayon na may 30.87% economic internal rate of return dahil ito ay makatutulong bawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga lalawigan ng Bataan hanggang Cavite at vice versa mula sa limang oras pababa sa 45 minuto na magpapagaan sa trapiko sa Metro Manila, gayundin sa mga gateway ng South Luzon at North Luzon.

Matatagpuan ang alignment ng tulay sa Bataan sa pagitan ng Roman Highway at pagkatapos ay binabagtas ang Barangay Alas-Asin at paikot sa Barangay Mountain View sa Mariveles, habang ang Cavite alignment ay magsisimula sa Barangay Timalan Balsahan sa Naic, at papunta sa agricultural at residential area na magtatapos sa Antero Soriano Highway sa Barangay Timalan Balsahan at Barangay Timalan Concepcion.

Target na masimulan ang konstruksyon ng BCIB Project sa 2024 at hahatiin sa pitong contract packages kung saan magsisimula ang konstruksyon sa dalawang on-land packages na ang package 1 ay ang 5-kilometer Bataan Land Approach at ang package 2 na 1.35 kilometer Cavite Land Approach.

Ang package 3 at 4 ay ang Marine Viaducts sa North at South na may kabuuang haba na 20.65 kilometers habang ang package 5 at 6 ay ang North Channel at South Channel Bridges na may haba na 2.15 at 3.15 kilometers. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us