Bersyon ng senado ng panukalang amyenda sa pension fund system ng mga MUP, naikonsulta sa economic team at unipormadong hanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na nakonsulta ang economic team ng administrasyon sa inilabas na bersyon ng Senate Committee on National Defense ng panukalang amyenda sa military and uniformed personnel (MUP) pension system.

Ayon kay dela Rosa, katanggap-tanggap naman ang bersyon na ito na nilabas ng komiteng pinamumunuan ni Senador Jinggoy Estrada.

Para kay dela Rosa, mas mainam itong bersyon ng panukalang MUP pension system ammendment, kung saan kahit ang new entrants ng militar ay imamandato na ring magbigay ng kontribusyon.

Sa ganitong paraan ay magiging patas aniya para sa lahat ng uniformed personnel ang pinapanukalang batas.

Kaiba ito sa unang pinapanukala ni Defense Secretary Gibo Teodoro na i-exempt o huwag nang imandato ang new entrants o bagong pasok sa militar na mag-contribute para sa kanilang bersyon.

Ikinatwiran kasi noon ni Teodoro na mayroon namang mga asset ang AFP na maaari nilang pagkunan ng pondo para sa kanilang pension fund.

Sa panig naman aniya ng PNP, bilang dating naging hepe ng pambansang pulisya, na kakaunti lang ang assets ng PNP at hindi ito sapat para sa makatayong mag-isa ang pension fund ng mga pulis. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us