Bicol Saro Party-list Representative, pinuri ang SC sa pagkakasa ng national summit para tugunan ang jail congestion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng isang mambabatas ang inisyatiba ng Supreme Court (SC) na magdaos ng national summit para tugunan ang problema ng pagsisiksikan sa mga piitan.

Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, umaasa siya na sa pamamagitan ng National Jail Decongestion Summit, sa susunod na buwan ay makapaglalatag ng mga polisiya at programa para masolusyunan na ang problema ng jail congestion.

“This commendable effort is a significant step in tackling the pervasive issue of jail congestion. We are confident that the summit would be able to come up with ways to reduce backlogs and speed up the disposition of cases to help address the overpopulation in our jails and prisons,” sabi ni Yamsuan

Kasabay nito umaasa din ang mambabatas na makapaglatag ng pangmatagalang solusyon gaya nang integration ng correctional system, sa pamamagitan ng pagbuo ng Department of Corrections and Jail Management (DCJM) na nakapaloob sa kaniyang House Bill 8672.

Naniniwala ang dating DILG assistant secretary, na kung pag-iisahin ang mga tanggapan na namamahala sa mga piitan—partikular ang Bureau of Corrections (BuCor), which is currently under the DOJ; the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) of the DILG; the correctional and jail services of the provincial governments; the Board of Pardons and Parole (BPP); and the Parole and Probation Administration (PPA)–sa isang ahensya ay mas maisasaayos ang pagbibigay pondo upang matiyak na ang bawat penal facility ay may sapat na serbisyo para tunay na maisaayos ang kondisyon ng persons deprived of liberty.

Batay aniya sa Bucor, ang National Bilibid Prison (NBP) at iba pang penal facility ay may higit 50,000 inmate ngunit ang kapasidad lamang ng mga piitang ito at nasa 12,250 inmates o katumbas ng 400% congestion rate.

Nakatakdang isagawa ang naturang summit sa December 6 hanggang 7 sa pagtutulungan ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC), SC, DOJ at DILG. | ulat ni Kathleen Forbes

Photo: PIA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us