Big time onion smuggler, arestado na — DA Sec. Laurel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary Kiko Laurel Jr., na bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang big-time onion smuggler sa bansa.

Ayon sa kalihim, sa bisa ng Arrest Warrant mula sa Manila Regional Trial Court ay naaresto si Jayson de Roxas Taculog nitong Miyerkules sa Batangas.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10845, o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Matatandaang sa magkakahiwalay na operasyon ng DA, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Customs (BOC) mula Disyembre ng 2022 hanggang nitong Enero ay aabot sa ₱78.9-milyong halaga ng illegally imported agricultural goods ang nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port (MICP) at naka-consign sa Taculog J International Consumer Goods Trading.

Oras na mapatunayang guilty, posibleng maharap si Taculog sa habambuhay na pagkakakulong at mapatawan ng multang doble pa sa halaga ng pinuslit nitong agricultural products kasama pa ang penalties.

Sa isang pahayag, iginiit naman ni Sec. Laurel na patuloy na tutugisin ng Department of Agriculture ang mga smuggler at sumasabotahe sa sektor ng agrikultura.

“Isa sa mga utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na habulin ang mga smugglers at hoarders. Agad nating inaksyunan ang direktibang ito ng Pangulo,” ani Laurel. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us