Pumalo na sa Php37.2 million halaga ng tulong ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng pagbaha at landslide sa Eastern Visayas region dulot ng Shear Line at Low-Pressure Area (LPA).
Kabilang sa hinatiran ng family food packs (FFP) ang mga pamilya mula sa Naval, Biliran; munisipalidad ng Arteche, Dolores, Jipapad, Maslog, at Oras sa Eastern Samar; Calbayog City, Gandara, San Jorge, at Sta. Margarita sa Samar; at Biri, Bobon, Catarman, Capul, Catubig, Lapinig, Las Navas, Lavezares, Palapag, Lope de Vega, Laoang, Mapanas, San Roque, San Antonio, San Vicente sa Northern Samar.
Nahatiran na rin ng tulong ang mga pamilya na naapektuhan ng landslide incident sa Bontoc, Southern Leyte .
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang pagbibigay ng mga FFP at iba pang non-food items bilang augmentation support sa iba pang local government units ay pinapadali din ng Field Office .
Pinakilos na rin ng DSWD FO-8 ang satellite office nito para sa agarang pamamahagi ng mga relief items.| ulat ni Rey Ferrer