Bilang ng mga di awtorisadong sasakyang dumaan sa EDSA Bus lane, pumalo na sa mahigit 150

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa 151 na mga pasaway na motoristang dumaan sa EDSA Busway ang hinuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, mula ito sa tatlong lugar sa EDSA kung saan nakaposte ang kanilang mga tauhan katuwang ang PNP Highway Patrol Group at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT).

Partikular na ito sa Emergency Bay sa Megamall sa Mandaluyong City, harap ng Baliwag Transit Terminal sa Cubao, at bahagi ng Magellanes patungong Taft Avenue sa Pasay City.

Kinabibilangan na ito ng mga motorsiklo, pribado, at unmarked government vehicles kabilang na ang ilang pulis, taga-PAGASA-DOST, at maging ang mismong tauhan ng MMDA na nahuli.

Mula naman November 1 hanggang November 10 ng taong kasalukuyan o ang mga panahong hindi pa naghihigpit sa panghuhuli ng mga dumaraan sa EDSA Bus lane, aabot na sa 296 na mga sasakyan ang naitalang lumabag. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us