Bilang ng mga hindi nagamit na COVID-19 vaccine ng Pilipinas, umabot sa higit 49 million doses

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa kabuuang 49.7 million doses ng COVID-19 vaccine ang hindi nagamit ng Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya ayon sa Department of Health (DOH).

Ibinahagi ito ng sponsor ng panukalang 2024 budget ng DOH na si Senadora Pia Cayetano sa plenary budget deliberations ng senado.

Ayon kay Cayetano, 38.5 million doses sa vaccine wastage ay nag-expire na lang ng hindi pa nagagamit.

Paliwanag ng senadora, maiksi lang talaga o nasa 6 months lang ang shelf life ng mga COVID-19 vaccine.

Habang ang mga donated namang mga bakuna ay nasa isa hanggang tatlong buwan lang ang shelf life.

Sa datos ng DOH, 26.2 million doses sa mga hindi nagamit na bakuna ang dinonate lang sa Pilipinas habang ang 23.7 million doses ay binili ng pamahalaan.

Tinataya namang katumbas ng 11 billion to 12 billion pesos na pondo ang nasayang dahil sa mga hindi nagamit na mga bakunang binili ng pamahalaan.

Samantala, kinumpirma rin ni Cayetano na wala nang alokasyon para sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng panukalang 2024 budget pero makakatanggap naman ang Pilipinas ng bivalent vaccines mula sa COVAX facilities.

Sa ngayon ay sinumite na para sa plenary approval ang proposed budget ng DOH. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us