Pumalo na sa 39 ang bilang ng mga diniskwalipika ng Commission on Election na mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ito ay kahit tapos na ang halalan at naiproklama na ang mga nanalo.
Pinakahuli sa dinisqualified ng Comelec ay ang 18 kandidato na inilabas ang desisyon kahapon.
Karamihan sa mga dahilan ng pagkaka-disqualified ay ang maagang pangangampanya o premature campaigning.
Ngunit hindi pa sinasabi ng Comelec kung ilan sa 39 na mga kandidato ang nanalo noong nakaraang halalan.
Una ng sinabi ng Comelec, hindi nila pauupuin ang isang kandidatong nanalo sa halalan na mapapatunayang lumabag sa Omnibus Election Code. | ulat ni Michael Rogas