Bilang ng mga OFW mula Israel na umuwi ng bansa umabot na sa 264

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa bilang na 264 mga overseas Filipino worker (OFWs) ang nakauwi na ng bansa matapos bigyang tulong ng pamahalaan dahil sa patuloy na sigalot sa pagitan ng Israeli forces at grupong Hamas.

Pinakahuling dumagdag sa bilang na ito ang 32 OFWs na personal na sinalubong ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang eroplanong sinasakyan ng ating mga kababayan kahapon.

Ilan sa mga umuwing OFW ay naturang mga caregiver at namamasukan sa Israel sa mga hotel.

Ayon naman kay OIC Cacdac, magpapatuloy ang repatriation program ng pamahalaan dahil na rin sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel.

Habang patuloy din ang pagsasagawa ng welcome program mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga umuwing OFW at tulong pinansyal para sa mga ito.

Ito na ang ika-walong batch ng mga umuwing OFW mula Israel simula ng pumutok ang kaguluhan doon noong Oktubre. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us