Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, nabawasan kumpara noong nakaraang taon — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Sa inilabas na Labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4.5% ang unemployment rate nitong Setyembre mula sa 5% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.

Katumbas ito ng 2.26 milyong walang trabaho mula sa 2.5 milyong walang trabaho noong nakaraang taon.

Kasunod nito, umakyat rin sa 95.5% ang employment rate sa bansa nitong Setyembre ng 2023 o katumbas ng 46.67 milyong Pilipino na may trabaho.

Mas mataas ito kumpara sa 95% na employment rate noong 2022 bagamat bahagyang mas mababa kumpara sa bilang ng may trabaho noong Agosto.

Malaki rin ang ibinaba sa bilang ng nga underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan na nasa 10.7% nitong Setyembre mula sa 15.4% noong nakaraang taon.

Kabilang naman sa mga sektor na may pagtaas sa bilang ng mga manggagawa ang accomodation at food service activites na nadagdagan ng 608,000.

Kabilang rito ang mga restaurants, fast food, mobile food cart business, pati hotels, at resorts.

Nadagdagan din ng higit 500,000 manggagawa ang admin at support service activites kabilang ang private security services gaya ng mga security guard at general cleaning services.

Tumaas din ang bilang ng employed sa construction, transportation and storage tulad ng taxi operations, airport shuttles, car rentals pati sa fishing and aquaculture.

Inaasahan naman ng PSA na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga magkatrabaho gaya sa retail trade sa mga susunod na buwan lalo’t papasok na ang holiday season. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us