BIR, mag-iisyu na ng digital TIN ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ngayon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. na available na rin para sa mga taxpayer ang Digital Taxpayer Identification Number.

Karagdagang feature ito sa Online Registration and Update System (ORUS) ng ahensya.

Ayon kay Commissioner Lumagui, sa pamamagitan ng bagong sistema ay mababawasan na ang pang-aabuso ng mga fixer at scammer na nagbebenta ng TIN ID online.

Mas magandang alternatibo rin aniya ito para makakuha ng TIN na hindi na pipila pa sa kanilang Revenue District Offices.

Ayon pa sa BIR, maaaring mag-apply ng kanilang Digital TIN ID ang mga indibidwal taxpayer na mayroon nang TIN. Kailangan lamang na i-enroll nila ito sa kanilang Online Registration and Update System (ORUS).

Libre rin ang digital TIN ID ng BIR at hindi pwedeng ipagbili. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us