BIR Road at Agham Road sa Quezon City, opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ang BIR Road at Agham Road sa Quezon City.

Isang simpleng seremonya ang ginanap sa Agham Road ngayong umaga para sa renaming ng Agham at BIR Road.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte at dinaluhan ni Vice President Sara Duterte, Narciso Santiago, ang asawa ni dating Senator Meriam Santiago at ang kapatid nito na si Dra. Linnea Evangelista, at ilang Senador.

Ang pagpapalit ng bagong pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Senator Miriam P. Defensor-

Santiago Avenue ay alinsunod sa Republic Act No. 11963.

Si Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pangunahing may-akda ng batas sa Senado.

Ang Agham Road ay mula sa North Avenue hanggang Quezon Avenue at BIR Road mula Quezon Avenue hanggang East Avenue, sa Quezon City. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us