British pedophile, naharang sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pinapasok sa bansa at agad pinabalik sa kanyang port of origin ang isang British pedophile na sex offender sa Australia.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang suspek ay kinilalang si David Ian John Bishop, 39 years old na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang dumating ito sakay ng Cathay Pacific flight mula Hongkong.

Positibo umano sa hit ng database ng BI si Bishop matapos makita ng kanyang pangalan at ang banyaga ay subject ng ‘Interpol Notice’.

Laman ng ‘Interpol Notice’ ang pag-alerto sa law enforcers sa buong mundo kaugnay ng record ni Bishop bilang pedophile na liable ng sex crimes laban sa mga menor de edad.

Wanted daw ito sa New South Wales, Australia sa mga kasong sexual exploitation, prostitution at crimes against children. | ulat ni AJ Ignacio

📷: Bureau of Immigration

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us