Ikinarga sa BRP Tagbanua (LC 296) ng Philippine Navy ang relief goods para sa isla ng Balut sa Sarangani, Davao Occidental na isa sa mga lugar na apektado ng 6.7 magnitude na lindol nitong Nobyembre 17.
Ayon kay Naval Forces Eastern Mindanao Commander, Commodore Carlos Sabarre, may kakayahan ang BRP Tagbanua na marating ang mga mahirap puntahang lugar, sa panahon ng sakuna.
Dala ng BRP Tagbanuan ang relief supplies na mula sa Department of Social Welfare and Development Region XI at Office of the Civil Defense Region XI para sa mga pamilyang apektado ng lindol.
Ito’y binubuo ng 1,000 family food packs, 100 tarpaulins, malongs, kumot, at 20 pieces of shelter kit.
Nakatakdang maglayag ang BRP Tagbanua sa oras na makumpleto ang dokumentasyon para sa biyahe. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFEM