BSP, pinag-iingat ang publiko sa pekeng pera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang araw bago ang Kapaskuhan, muling nagpaalala at pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa pagkalat ng pekeng pera.

Ayon sa BSP, mahalagang malaman at masuri ng kung sino man kung authentic ang pera bago gumawa ng kahit anong transaksyon gamit ito.

Para malaman kung peke o hindi ang perang inyong dinadala, paalala ng BSP, gamitin ang “Feel-Look-Tilt” method sa pagsuri ng security features ng perang inyong hawak partikular na ang polymer banknote na P1,000.

Sa advisory na inilabas ng BSP, inilathala nito ang mga security features ng bagong P1,000 bill kabilang na ang pagdama sa polymer substrate material ng pera, pag-tilt ng enhanced value panel nito, at pagtingin sa iba pang feature tulad ng serial number, shadow thread, at iba pa.

Maaalalang inilunsad ng BSP ang bagong polymer banknotes noong nakaraang taon kung saan sinabi nitong mas matibay at mas mahirap diumano itong mapeke. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us