BuCor Chief tiniyak ang suporta sa karapatang pantao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang kanyang suporta sa karapatang pantao at pagtutol sa torture.

Ito ay bago pa man isinumite ang tatlong resolusyon sa House of Representatives ukol sa national preventive mechanism laban sa torture sa Pilipinas.

Sa isang pagdinig sa House Resolutions No. 6305, No. 8993, at No. 8780, ipinaliwanag ni Catapang ang kahalagahan ng karapatang pantao sa lahat, kahit sa mga nakakulong.

Inanyayahan rin niya ang komite na bisitahin ang kanilang mga piitan para sa masusing pagsusuri at upang makita ang kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Pinuri naman ni Rep. Bienvenido Abante, Jr., ang chairman ng komite, ang patuloy na pagsisikap ni Catapang na maibsan ang siksikan sa pambansang bilangguan.

Noong nakaraang taon maaalalang pumirma si Catapang ng kasunduan sa Commission on Human Rights para mapanatili ang human rights standards sa kanilang mga programa at polisiya.

Nilalaman nito ang pagsang-ayon na magtakda ng Human Rights Officer sa bawat compound sa bawat security compound ng BuCor na naglalayong itaguyod ang karapatan ng mga bilanggo at pangalagaan ang kanilang mga karapatan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us