Budget deficit para sa buwan ng Oktubre, lumiit ng P34.4 billion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang National Government ng pagliit ng “budget deficit” o kakulangan sa budget para sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa Bureau of Treasury, lumiit ang deficit ng bansa ng 65.27 percent o katumbas ng P64.7 billion kumpara sa P34.4 billion noong nakaraang taon.

Kapag lumiliit ang deficit o kakulangan ay ibig sabihin nito gumaganda ang fiscal performance ng bansa.

Ayon sa BTr, ito ay resulta ng kapansin-pansin na pagtaas sa revenue collection– lagpas sa paggasta ng pamahalaan na 8.32 percent.

Nitong October 2023, nasa P385.8 billion ang nakolektang kita ng Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, collection ng Bureau of Treasury mula sa kita ng PAGCOR at iba pang non-tax revenue collection.

Ang pinagsama-samang deficit o kakulangan para sa 10-buwan ay nagkakahalaga ng P1.018 trillion kumpara sa P1.112 trillion pesos noong 2022. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us