Nananatili pa ring mataas ang aktibidad ng Mayon Volcano sa Legaspi, Albay.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa ang bulkan ng volcanic earthquake, 97 na volcanic tremors na tumagal ng 35 minuto,105 rockfall events at 3 Pyroclastic Density Current events (PDCs).
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagbuga pa ang bulkan kahapon ng 715 tonelada ng sulfur dioxide at plume na may 200 metro ang taas na napadpad sa Kanluran-Timog-Kanluran.
Nananatili pa ring nakataas sa alert level 3 ang status ng bulkan at hindi inaalis ang posibilidad ng pagputok.
Wala pa ring pinapayagan na makapasok sa 6km radius permanent danger zone dahil sa panganib ng pyroclastic density current events, lava flows, rockfalls at ibang volcanic hazards. | ulat ni Rey Ferrer