CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange, bukas na sa mga motorista simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaari nang makadaan ang mga motorista sa bagong bukas na Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Silang (Aguinaldo) Interchange ngayong araw.

Magbibigay-daan ito sa mas mabilis na ruta sa Silang at Tagaytay City.

Ayon sa concessionaire ng CALAX na MPCALA Holdings Inc. (MHI), libre ang 3.9-kilometer exit hangga’t hindi naglalabas ng abiso ang pamunuan nito.

Inaasahang daraan sa CALAX subsection ang karagdagang 5,000 motorista araw-araw.

Sa kabuuan, may walong interchanges ang CALAX: Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, Silang (Aguinaldo), Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us