Caloocan LGU, handa na para sa komemorasyon ng 160th birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Monumento Circle sa gaganaping komemorasyon ng ika-160 birth anniversary ng pambansang bayani na si Gat Andres Bonifacio ngayong araw.

Sa abiso ng Caloocan LGU, pangungunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Bonifacio day event na magsisimula mamayang alas-8 ng umaga.

Kasama sa programa ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio.

Kapansin-pansin naman ang mahigpit na seguridad sa paligid ng Monumento.

Epektibo na rin kaninang alas-11 ng gabi ay isinara na ang mga kalsada patungong Monumento kabilang ang:

  • Monumento Circle
  • MacArthur Highway (pagkatapos ng Calle Uno)
  • EDSA (pagkatapos ng Gen. Simon)
  • EDSA (bago ang B. Serrano)
  • Rizal Avenue (cor. 10th Ave.)
  • Samson Road (bago Lapu-lapu St.)

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us