Pinaghahanda na ni Caloocan City Mayor Dale Malapitan ang mga jobseeker na maghanda na ng maraming kopya ng kanilang resume.
Muli kasing maglulunsad ang pamahalaang lungsod ng isang Mega Job Fair sa darating na Biyernes, November 10 na gaganapin sa Bulwagang Katipunan na nasa ikatlong palapag ng Caloocan City Hall, simula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.
Ito ay pangungunahan ng Caloocan Public Employment Service Office.
Ayon sa alkalde, bahagi pa rin ito ng kanilang layuning patuloy na mailapit ang mga trabaho at oportunidad sa mga mamamayan.
Bukod sa resume; pinapayuhan ang mga aplikanteng magbitbit na rin ng valid ID at Vaccination Card. | ulat ni Merry Ann Bastasa