CHED, nagbabala laban sa mga fake account na kumakalat sa social media na nagbibigay ng maling impormasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng Commission on Higher Education ang publiko laban sa mga fake accounts ng CHED na kumakalat sa Social Media.

Pinuna ni CHED Chairman Prospero De Vera III,ang mga unofficial accounts na ito sa Facebook na nagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa scholarships at financial assistance na inaalok ng CHED at UniFAST.

Pagtutuwid ni De Vera na ang application period para sa scholarship at financial assistance grants na inaalok ng CHED sa bawat CMO 8 2019, ay isinasagawa mula Marso 1 hanggang Mayo 31 kada taon.

Ipinagkakaloob ang grants alinsunod sa prioritization scheme sa kalidad at ang pagkakaroon ng mga bagong slot ay nakasalalay sa availability ng pondo.

Sabi pa ni DeVera na mangyari lamang na isumbong sa CHED o Regional Offices nito o sa UniFAST Secretariat at sa mga Regional Coordinatorsa regional offices ang anumang mapanlinlang o kahina-hinalang aktibidad para sa kaukulang aksyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us