Abot sa 400 na mga bata mula sa 158 paaralan sa lungsod Quezon ang nakilahok sa Children’s Summit 2023 na pinangunahan ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC).
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nakatuon ang summit sa climate change, kung paano ito maiiwasan at kung ano ang epekto nito sa mga bata.
Ibinida rin ng mga kabataang residente ng lungsod ang iba’t ibang paraan upang mas maging maganda at maayos ang kapaligiran.
Pinaalala pa ng alkalde sa mga kalahok na makipagtulungan sa Sangguniang Kabataan para sa mga inisyatibo at proyekto na nangangailangan ng pondo.| ulat ni Rey Ferrer