CHR, pinagsabihang ng mga senador dahil sa isyu ng SOGIE bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling kinastigo ng mga senador ang Commission on Human Rights (CHR) sa deliberasyon ng kanilang panukalang budget sa Senado.

Sa pagkakataong ito naman ay napagsabihan ang CHR kaugnay sa sinasabing petisyon ng komisyon para kay Senate Majority Joel Villanueva upang agad nang ipasa ang SOGIE Equality bill.

Sa deliberasyon, ipinakita ni Villanueva ang video clip ni Atty. Krissi Shaffina Twyla Rubin, officer-in-charge ng Center for Gender Equality & Women’s Human Rights ng CHR, noong pagdiriwang ng pride month sa Quezon City nitong Hunyo.

Sa video, nanawagan si Rubin na pakinggan aniya ang sigaw ng LGBTQIA+ community na ipasa na ang SOGIE bill.

Tinanong naman ni Villanueva ang liderato ng CHR kung posisyon ba ng komisyon ang pagsuporta sa naging pahayag ni Rubin, abogado sa SOGIE bill at kung alam nito ang petisyon.

Ayon kay CHR Chairman Richard Palpallatoc na nasa kanila pa ang petisyon at wala silang balak na isumite ito sa Senado.

Ikinadismaya naman ni Villanueva ang ang hindi pagbabasa ng CHR sa kanyang panukala para sa Comprehensive Anti-Discrimination.

Sinegundahan naman nina Senador Jinggoy Estrada at Alan Peter Cayetano sa paggiit na hindi nangangahulugang kalaban ng LGBTQIA+ community ang mga taong hindi pabor sa SOGIE bil kaya’t hindi tamang husgahan nila si Villanueva.

Sa huli, sinabi ni Palpal-latoc na ikinalulungkot nila ang pagkadismaya ng mga senador sa sinasabing petisyon kasabay ng pangakong pag-iibayuhin pa ang pagtupad sa kanilang mandato at pananatilihin ang kanilangn mantra na sila ang CHR ng lahat, naglilingkod maging sino ka man.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us