‘Clearly marked vehicles’, bawal nang dumaan sa EDSA Busway; mga exempted sa pagdaan dito, nilinaw ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula sa Lunes, Nobyembre 20, maghihigpit pa lalo ang MMDA ng panghuhuli sa mga hindi awtorisadong sasakyan na daraan sa EDSA busway.

Sa pulong balitaan sa Pasig City ngayong araw, sinabi ni MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, bawal na ring dumaan sa busway ang clearly marked government vehicles at mga red plated government vehicles.

Paliwanag ni Artes, malinaw sa inilabas na kautusan ng Department of Transportation na papayagan lamang dumaan sa busway ay ang mga bus, emergency vehicles gaya ng ambulansya.

Gayundin ang convoy ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, House Speaker at Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Giit ni Artes, anumang sasakyan na hindi nabanggit sa resolusyon na magpupumilit pa ring dumaan sa busway ay huhulihin at pagmumultahin salig sa mga itinakdang parusa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us