Crane sa isang itinatayong 28 storey building sa Davao City bumigay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malakas na lindol ang tumama sa lungsod ng Davao at karatig probinsya at rehiyon ngayong hapon kung saan base sa Phivolcs, nasa magnitude 7.2 ang kalakasan nito at sentro ng lindol ang Sarangani Davao Occidental.

Kaugnay nito, isang crane sa tuktok ng itinatayong gusali ng 28 storey Paragon Place sa Sandawa, Matina, Davao City ang bumigay at nahulog mula sa building.

Wala namang naitalang casualty sa nasabing insidente subalit isang bahay ang nahulugan ng malaking debris na tumagos mismo sa loob ng isang bahay malapit sa Paragon place.

Tinatayang 9 na kabahayan ang malapit sa Paragon Place kung saan ilan dito ay boarding houses na sa ngayon ay nasa evacuation center ng Barangay 76-A Bucana ang mahigit kumulang na 50 katao.

Samantala, patuloy ang pagdatingan ng mga karagdagang responder mula sa Task Force Davao upang tiyakin na ligtas lahat ng mga residente roon at tutulong sa pagsasagawa ng inspeksyon sa naturang gusali. | ulat ni Mariecel Dasalla

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us