Pinangunahan ng Department of National Defense (DND) ang pagdaraos ng 5th Cyber Security Awareness Conference (CYBERCON) 2023 at 2nd Cyber Exercise (CYBEX) sa AFP Commissioned Officers Club House, Camp Aguinaldo.
Ang dalawang araw na pagsasanay nitong Lunes at Martes na may temang theme “Cyber Aware, Nation Secure: Unifying Efforts for Cyber Defense,” ay sa layong mapalawak ang kamalayan ng mga tauhan ng DND at attached Bureaus nito sa mga bagong banta sa seguridad sa cyberspace.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Defense Undersecretary Irineo C. Espino na mahalagang mapahusay ang seguridad ng network ng kagawaran, at ng mga kritikal na pambansang imprastraktura.
Sa huling araw ng pagsasanay, nagsagawa ng table-top exercise sa CYBEX para subukan ang kakayahan ng mga kalahok na kontrahin ang mga cyber attack.
Nagsilbing observer sa aktibidad ang National Intelligence Coordinating Agency, Department of Information and Communications Technology, at iba pang eksperto mula sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong organisasayon. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND