Cybersex den sa Jaro, Iloilo City sinalakay ng kapulisan, 17 Chinese nationals arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalakay ng Iloilo City Police Office Intelligence Unit ang isang cybersex den sa Lawaan Village, 6th Street, Brgy. Balantang, Jaro, Iloilo City.

Sa bisa ng search warrant, arestado sa operasyon ang 17 Chinese nationals lahat mga lalaki.

Ayon kay P/Lt. Col. Antonio Benitez, hepe ng City Intelligence Unit ng ICPO, 6 na buwan ng nangungupahan ang mga suspek sa lugar.

Sa mahigit isang buwang surveillance ng kapulisan, napag-alaman ang iligal ng gawain ng mga Chinese nationals.

Sa ikinasang operasyon, nakumpiska ang 24 na computers, 49 na cellphone at iba pang kagamitan na gamit ng mga suspek sa cybersex operation.

Tumambad rin sa mga otoridad ang mga hubot hubad na litrato ng mga babae sa mga nakumpiska computer ng mga suspek.

Sa pagkaaresto ng mga suspek kasong paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kanilang kakaharapin. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us