DA, naglabas na ng guidelines sa pagbabakuna vs. bird flu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang Department of Agriculture ng guidelines o panuntunan sa pagbabakuna ng domestic poultry kontra bird flu.

Matatandaang inanunsyo nitong Oktubre ni Pangulong Marcos Jr. na sisimulan na ng Pilipinas ang pagbili ng bakuna kontra sa avian influenza o bird flu para matugunan ang problemang dulot ng sakit sa poultry supply sa bansa.

Sa Memo Circular no. 49, inilatag ng DA ang ikakasang vaccination campaign laban sa High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) na layong maging karagdagang preventive at control measures upang mabawasan ang pagkalat ng virus.

Tinukoy rin dito ang priority areas na uunahin sa pagbabakuna kasama rito ang Central Luzon; Sultan Kudarat, North at South Cotabato sa Region 12 at mga lalawigan ng Benguet at Kalinga sa CAR na may mataas na kaso ng bird flu.

Pasok din sa priority areas ang mga major economic poulty centers sa bansa kabilang ang CALABARZON, Bukidnon at Misamis Occidental sa Region 10, Pangasinan sa Region 1, Isabela sa Region 2, Bacolod sa Region 6, Cebu sa Region 7, at lalawigan ng Davao del sur sa Region 11.

Isusunod din ang mga lugar na may moderate cases ng bird flu, at pati mga high risk areas sa Luzon at iba pang rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us