DA, tiniyak ang suplay ng abot-kayang presyo ng bigas, asukal at sibuyas

Facebook
Twitter
LinkedIn

May mga ginagawa nang hakbang ang Department of Agriculture (DA) upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa abot-kayang presyo, partikular ang bigas, asukal, at sibuyas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., binigyan niya ng wala pang limang linggo ang mga importer para gamitin ang ibinigay na permits para bumili ng karagdagang isang milyong toneladang bigas mula sa ibang bansa .

Inaasahan na rin ng DA ang kabuuang ani ng palay ngayong taon na lalampas sa 20 million metric tons kumpara sa 19.76 million metric tons noong nakaraang taon .

Bukod dito ang 2.86 million metric tons ng total rice imports maliban ang karagdagang pag-import sa mga darating na linggo.

Sa ngayon, ang bansa ay may rice surplus na 2.98 million metric tons na sapat na para tumagal ng 80 araw. Ang karagdagang imports ay magpapahaba sa supply period hanggang sa susunod na harvest season simula Marso.

Samantala, nasa Php140 at Php110 kada kilo ang umiiral na presyo sa merkado ng pula at puting sibuyas. May sapat ding stock ng asukal ngunit ang supply ay kinontrata na sa mga industrial users. Dapat aniya ay ibenta ito sa Php 85 kada kilo.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us