Pinaghahanda na ng Valenzuela government ang mga first time job seekers at iba pang naghahanap ng trabaho ng maraming resume dahil magkakaroon ito ng malawakang job fair.
Sa abiso ng Valenzuela government, isasagawa ng Local and Overseas Mega Job Fair sa darating na Huwebes, November 16 mula 8:00AM hanggang 3:00PM, sa Casa de Polo sa Barangay Poblacion.
Ito ay pangungunahan ng Valenzuela Public Employment Service Office katuwang ang DOLE-NCR.
Kabilang sa maaaring aplayang trabaho dito ang cashier, delivery riders, front desk staff, account executive, marketing assistant, sales clerk, barista, mechanic at barista.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng bio-data/resume at iba pang credentials upang makasali.
Bukod sa trabaho, mayroon ding alok na one-stop-shop ng pre-employment services sa naturang job fair kasama ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan.
May libreng gupit at manicure/pedicure rin na hatid naman ng Pandayan Bookshop. | ulat ni Merry Ann Bastasa