Dagdag na tulong pinansyal para sa mga may kapansanan sa pandinig, paningin, pananalita, at down syndrome, isinusulong na maisama sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Iloilo First District Representative Janette Garin na magbigay ng dagdag na tulong pinansyal para sa mga deaf, mute, blind, at down syndrome.

Mungkahi ng mambabatas na maipatupad ito sa nakatakdang Bagong Pilipinas Serbisyo Fairs sa Iloilo.

Aniya nararapat lamang po na bigyan ng dagdag na tulong ang ating mga kababayan na may kapansanan upang makatulong sa kanila.

Ang BPSF ang pinakamalaking service caravan ng pamahalaan kung saan inilalapit sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno.

Umaasa si Garin na maipatupad ang naturang dagdag tulong sa mga may kapansanan sa iba pang panig ng bansa.

“Malaking tulong po itong programang ito para mas mapadali ang pagkuha ng dokumento ng ating mga kababayan. Mas mabilis at madaling serbisyo ang handog ng administrasyon,” saad ni Garin.

Gaganapin ang BPSF sa Iloilo sa December 9 hanggang December 10. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us