Dagdag pondo para sa Marawi Compensation Board, isinusulong ni Senador Robin Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senador Robin Padilla sa pamahalaan na magkakaroon ng sapat na pondo para sa compensation program para sa mga biktima ng 2017 Marawi seige.

Sa kanyang naging interpellation sa panukalang 2024 budget ng Marawi Compensation Board, iginiit ni Padilla na dapat nang madaliin ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Marawi seige.

Babala ng senador, maaaring gamitin ng mga terorista ang nakabinbing pangakong compensation ng pamahalaan para mangumbinsi, lalo na ang mga kabataan, tungkol sa kanilang mga ideolohiya.

Ibinahagi ng mambabatas na base sa pakikipag-usap niya sa Marawi Compensation Board ay maaaring kulang ang P1-bilyon budget nila.

Sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros, na siyang nagdepensa sa panukalang pondo ng MCB, plano na ng board na bigyan ang tumanggap ng compensation ng financial literacy skills training.

Naghahanap na rin aniya sila ng dagdag na reosurces para sa MCB nang magampanan nito ang kanilang mandato.

Ang unang batch aniya ng mga tatanggap ng monetary awards ay yung mga may death claims.

May commemmorative program na rin aniyang inoorganisa para maibigay ang unang batch ng awards na isasabay sa anibersaryo ng paglaya ng Marawi. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us