Dalawang Chinese national inaresto dahil sa kasong illegal detention; 16 na iba pa, na-rescue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese national na dinakip sa Angeles City, Pampanga dahil sa kasong Serious Illegal Detention.

Inaresto sina Huan Heng Su at De Long Wang dahil sa reklamo ng isang Pinay.

Ayon sa reklamo, ikinulong aniya ang dalawang Chinese national at hindi pinapayagang makalabas ang kanyang boyfriend na nagtatrabaho sa scam hub.

Aniya, isa ding Chinese national ang kanyang boyfriend na nagtatrabaho bilang Customer Service Representative sa Parañaque City subalit inilipat sa Angeles City noong Oktubre 31, 2023 kasama ang iba pang Chinese employees.

Sapilitan umano silang pinagtatrabaho ng 18 oras kahit labag sa kanilang kalooban.

Sa isinagawang operasyon ng NBI, na-rescue ang biktima at nasagip din ang 15 pang Chinese national.

Tinurn-over na ang mga ito sa Bureau of Immigration (BI) para sa kaukulang disposition.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us