Maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) kahit ngayong All Souls’ Day.
Sa inilabas na abiso ng NLEX-SCTEX ngayong alas-9 ng umaga, mayroon lang bahagyang pila ng sasakyan sa Balintawak RFID lane.
Light traffic naman ang umiiral sa Mindanao, Bocaue, at Karuhatan Toll Plaza.
Maluwag din ang trapiko sa northbound at southbound lane ng Meycauayan at pati na ng Candaba Viaduct.
Kaugnay nito, nananatili ang libreng towing service ng NLEX para sa Class 1 vehicles ngayong November 2 (6AM) at November 4 (6AM) hanggang November 6 (6AM).
Patuloy rin ang pagpapatupad nito ng “Safe Trip Mo Sagot Ko” motorist assistance program sa buong expressway. | ulat ni Merry Ann Bastasa